Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Budol

Nambudol ng 10 establisimyento arestado

236 Views

KALABOSO ang 33-anyos na lalaki na nagpapakilalang empleyado ng isang kilalang convenience store matapos mambudol ng halos sampung restaurant sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Police Station 12 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:30 ng gabi nitong Martes (July 29) nang maaresto ang suspek sa Eastwood City, Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, nilapitan ng 33 anyos na suspek na nakasuot pa ng uniporme ng isang convenience store ang biktima at inalok na kung nais nitong magpapalit ng mga barya.

Dahil dito ay dumukot ng P2,500 ang biktima sa kaniyang wallet upang pabaryahan subalit nang iaabot na niya ang pera ay namukhaan niya ang suspek na una nang nanloko sa kaniya sa parehong modus noong April 5 nitong taon.

Agad na inireport ng biktima sa mga awtoridad at naaresto ang suspek.

Nabawi sa kaniya ang dalawang piraso ng P2,000 bill at ang uniporme ng isang kilalang convenience store.

Nabatid na bukod sa biktima, halos 10 convenience store at mga restaurants ang nabiktima ng suspek mula taong 2015 hanggang 2017.

Ayon sa pulisya, dahil nakasuot ng uniporme ng kilalang conveniene store ay nagtiwala ang mga biktima at kapag nakuha na nito ang pera ay saka na nito itatakbo.

Inihahanda na ang kasong syndicated estafa laban sa suspek.