Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Basura Kinilala ni Police Lt. Col. Ronald De Leon ang mga suspek na nagtapon ng basura sa kahabaan ng Road 10 sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Trak ng basura mula Valenzuela tinambak ng 2 kelot sa Maynila

Jon-jon Reyes Jul 31, 2025
428 Views

TIMBOG ang dalawang lalaki matapos mamataan ng mga Environmental Rangers force multipliers ng DPS at Manila Police District(MPD) habang nagtatapon umano ng isang trak ng basura sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard (Road-10) corner Capulong Street, sakop ng Barangay 105,sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Roland, 21, driver, tubong Pagadian City, residente ng Valenzuela City ,at alyas Aljon, 31, helper, tubong Samar.

Ayon sa ulat ni PLt.Col. Ronald De Leon, commnder ng MPD Raxabago Station.1 bandang alas 2;10 ng hapon ng makita ang dalawang suspek habang nagtatapon ng basura kung kayat agad na inaresto ng ng mga otoridad sa pangunaguna ni P.Capt. Ryan Jay D Balagtas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang laman ng trak na gamit ng mga suspek ay mga wet cardboard na nagmula umano sa isang factory sa Valenzuela.

Kamakailan ay nagbigay ng kautusan si Manila Mayor Isko Moreno na paigtingin ang pagbabantay ng mga tauhan ng MPD at DPS sa kahabaan ng Road-10 upang mapanatili ang kalinisan, katiwasayan at seguridad sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nakadetine sa himpilan ng MPD raxabago PS1 ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Kumpiskado rin ang isang ISUZU NHR Flexi trak na ginamit umano ng dalawang suspek sa pagtapon ng basura ng tinatayang may bigat na 100 kilo.