Batangas

May mga aayusin sa Batangas City Hall sinigurong may gabay, alalay

279 Views

INATASAN ni Mayor Marvey Mariño ang Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) na magtalaga ng pansamantalang parking area sa paligid ng Plaza Mabini para sa mga paparadang taxpayers at lahat ng may transaksyon sa city hall tuwing ginagamit ang people’s quadrangle para sa mga programa ng pamahalaang lungsod.

Hiniling din ni Mayor Marvey sa Task Force Disiplina na umantabay at magbigay-gabay sa mga taxpayers kung kinakailangan papunta sa city hall.

Ipinahayag ni Mayor Marvey ang kahalagahan ng paglalaan ng quadrangle bilang paradahan ng mga may transaksyon sa city hall.