Amante Binasbasan ni Monsgr. Jerry Bitoon ang bagong opisina ni Laguna 3rd district Congressman Loreto “Amben” Amante sa San Pablo City noong Huwebes. Nasa larawan si Kapitana Madette Amante (kaliwa) asawa ni Congressman Amante.

Rep. Amante may bagong opisina sa SP

Gil Aman Jul 31, 2025
314 Views

BINUKSAN na at binasbasan ang bagong opisina ni Laguna 3rd district Congressman Loreto Amante noong Huwebes sa San Pablo City.

Ang bagong tanggapan ni Amante ang magsisilbi sa Alaminos, Rizal, Calauan, Nagcarlan, Liliw at Victoria sa Laguna.

Dumalo sina Konsehal Ambo Amante, Francis Calatraba, Gel Adriano, Carmela Acebedo, Chief of Staff Edgardo Collado, kinatawan ni Vice Mayor Justin Colago, at ABC President Maning Amante sa pagbubukas ng bagong opisina.

Ang kanilang presensya patunay ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at pambansang kinatawan sa paghahatid ng serbisyong tapat at makatao para sa mga San Pableño.

Ang pagbubukas ng bagong opisina ay inaasahang mas magpapabilis at magpapalapit ng serbisyo ng Kongreso sa mga mamamayan ng ikatlong distrito ng lalawigan.