MMDA

Isyu ng paradahan sa mga lansangan sosolusyonan

Edd Reyes Aug 1, 2025
225 Views

NAGKASUNDO ang Metro Manila Council (MMC) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na bumuo ng technical working group (TWG) upang malutas ang isyu sa paradahan ng mga sasakyan sa mga lansangan sa National Capital Region (NCR).

Nabuo ang inisyatiba bilang tugon sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr na mapanatili ang ang integridad at maluwag na lansangan ng walang anumang sagabal para maayos na makadaan at ligtas ang mamamayan.

Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at DILG Secretary Jonvic Remulla ang pagpupulong na ginanap sa PNP Multi-Purpose Hall sa Camp Crame, Quezon City.

Sa naturang pulong, iminungkahi ng DILG ang pagbabawal ng pagparada sa mga pampublikong lansangan mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi

“The law says that public streets are not for public enterprise. We will now designate them as ‘no parking zones’ especially those that affect Metro Manila’s traffic,” paliwanag ni Remulla.

Nagmungkahi naman si Artes na itulad sa umiiral na expanded number coding scheme,ang pagbabawal sa pagparada mula alas-7:00 hanggang 10:00 ng umaga at alas- 5:00 hanggang alas-.8:00 ng gabi.

Hihingin ng MMDA at DILG ang tugon dito ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan at mga partidong sumang-ayon sa pagbuo ng TWG para ito mapag aralan.

“We will come up with the final version on September 1. It will be a whole-of-city map — a work in progress.The intent is to make Metro Manila a more livable, cohesive, and safer place to live,” sabi ni Sec. Remulla.

“On the part of the MMDA, parking is absolutely prohibited on all major thoroughfares, including Mabuhay Lanes. This is non-negotiable for us,” pagdidiin naman ni Artes.

Binanggit pa ni Artes ang ruling ng Korte Suprema sa inihaing petisyon ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP),na nagsasaad na tanging ang MMDA lamang ang eksklusibong may kapangyarihan na magpatupad ng mga batas-trapiko, panuntunan, at regulasyon at makakalahok lamang ang lokal na pamahalaan kung ide-deputized ng ahensiya ang kanilang mga traffic enforcers.