Binaril

Dalaga binaril ng kaaway na lalaki, patay sa 2 bala

Gil Aman Aug 1, 2025
480 Views

PATAY ang dalaga matapos barilin ng suspek na kanyang nakaaway noong Huwebes sa Purok 6, Brgy. 2, Calamba City, Laguna.

Naisugod pa sa Jose P. Rizal Hospital ang biktimang si Alexandria pero namatay rin dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Hindi pinangalanan ang tumakas na suspek na nakaputing t-shirt, gray na short pants, berdeng jacket at slipper.

Naganap ang mainitang pagtatalo ng dalawa sa hindi malamang dahilan bandang alas-3:45 ng hapon.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo walang babalang binunot ng suspek ang baril at ipinutok sa dalaga.