Calendar
Ayuda sa mga binaha sa Mindoro Or. walang palya
PATULOY ang relief operations ng Oriental Mindoro para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang mga pag-ulan sa lalawigan.
Sa utas ni Governor Bonz Dolor, pinangunahan ng mga hepe ng iba’t-ibang tanggapan ng Kapitolyo ang pamamahagi ng food packs at mga de-lata sa mahigit 300 pamilya sa Brgy. Mangangan II, Baco.
Pinangasiwaan ang gawain ni Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer Zarah Magboo katuwang sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent Gahol, PGDH-Provincial Public Employment Service Office (PPESO) Manager Antonio Magnaye, Jr. at Office of the Governor Special Concerns Division (SCD) Chief Junielo Alcuran.
Nakiisa rin si Board Member Ryan Arago at ang mga opisyal ng barangay ng Mangangan II.
Ayon sa ilang residente, ginhawa ang naihatid ng tulong sa kanila lalo’t hindi pa nakakabangon ang ilan sa kanila mula sa mga pinsalang dulot ng mga pagbaha.

