Mercado

Lani Mercado sa kapwa mambabatas: Ipagdiwang Bacoor Assembly of 1898

Mar Rodriguez Aug 5, 2025
274 Views

NANANAWAGAN si Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla sa kaniyang mga kapwa mambabatas na pangunahan ang pagdiriwang ng Bacoor Assembly of 1898 sa kani-kanilang Distrito ngayong buwan ng kasaysayan.

Sa kaniyang privilege speech sa Plenaryong Kamara, nananawagan si Mercado-Revilla sa kaniyang mga kapwa kongresista para maipakita ang kahalagahan ng nasabing okasyon lalong-lalo na para sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan.

“We must bring history to life for our young people. Nanawagan ako sa aking mga kapwa mambabatas na ipagdiwang sa kani-kanilang lugar ang Bacoor Assembly of 1898 para maipakita natin sa bagong henerasyon ng mga kabataan ang kahalagahan nito,” sabi ni Revilla sa kaniyang privilege speech.

Sa kaniyan talumpati, binigyang diin ni Revilla ang historical significance ng Bacoor Assembly para sa mga kabataan at tinawag nitong tagapanguna ng kasalukuyang Kongreso.

“Noon pa man, ang ating mga ninuno ay naniniwala na sa prinsipyo ng representative democracy. We can consider the Bacoor Assembly of 1898 a gathering of198 representatives more than a century ago, a forerunner of our modern-day House of Representatives. In truth, we the members of the 20th Congress, are the successors of the legacy of Bacoor Assembly of 1898,” wika pa ni Revilla.