Missing

Aplikante sa BFP, sa ilog nag-training, missing!

Steve A. Gosuico Aug 8, 2025
271 Views

SAN JOSE CITY–Nawawala ang isang aplikante sa pagka-bumbero simula pa noong Hulyo 24 matapos magsanay lumangoy sa ilog sa Brgy. Parang Mangga sa siyudad na ito.

Patuloy ang paghahanap kay Albert Bermudez, 25, aplikante sa Bureau of Fire Protection sa lungsod na ito.

Nag-aaral lumangoy ang biktima upang makumpleto ang kinakailangan upang makapasok sa BFP noong mawala, ayon sa report.

Sinabi ng ina ni Albert na huli niyang nakita ang kanyang anak matapos lumabas kasama ang kanyang ama upang magsanay ng swimming bandang alas-8:20 ng umaga noong Hulyo 24.

Hanggang noong Agosto 7, ginagalugad ng mga responders ang ilog mula San Jose City hanggang Arayat, Pampanga para hanapin ang nawawalang biktima.