BOC Photo source: FB/Police Regional Office 9

P2.8M smuggled yosi kumpiskado sa Zamboanga City

496 Views

SA patuloy na pagpapatupad ng kampanya laban sa smuggling at economic sabotage, nagsagawa ng operasyon ang Police Regional Office (PRO) 9 sa pamamagitan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zamboanga City Field Unit, katuwang ang Bureau of Customs (BOC) Region 9 at Zamboanga City Police Station 11 nitong August 16, bandang 3:15 PM sa Zamboanga City Public Market, Poblacion, Zone IV, Zamboanga City.

Sa naturang operasyon, nakumpiska ang 50 master cases ng undocumented imported cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P2,865,000 sa merkado.

Agad na ibinigay ang mga nakumpiskang produkto sa BOC – Zamboanga City para sa wastong dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa umiiral na customs regulations.

Ayon kay Police Brigadier General Eleazar P. Matta, Acting Regional Director ng PRO 9, patuloy ang determinasyon ng kanilang tanggapan na palakasin ang anti-smuggling campaign ng pamahalaan at protektahan ang patas na kalakalan at seguridad ng bansa.

“This successful operation underscores the dedication of our personnel and the strength of our partnerships with other agencies. PRO 9 will not waver in its mission to protect our economy, enforce the law, and ensure that violators are held accountable,” diin ni PBGen Matta.

Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagtutok ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng batas nang may integridad, pagsuporta sa lehitimong kalakalan, at pagprotekta sa publiko laban sa masasamang epekto ng illicit trade.

STORY FROM THIS LINK: https://www.facebook.com/share/p/1AozT4Lqh5/