Pic3 Mula sa lumang municipal hall na tumutulo kapag umuulan, parang deluxe hotel na ang Orani municipal hall dahil kay Mayor Jon Arizapa (ikalawa sa kanan). Kasama niya si ABC president Marvin dela Cruz (kanan).

Dating Orani municipal hall parang de luxe hotel na

Christian Supnad Aug 19, 2025
318 Views

ORANI, Bataan–Kung dati’y decrepit building na tumutulo kapag umuulan, hindi inakala ng mga residente ng bayang ito na mako-convert na parang deluxe hotel ang luma nilang munisipyo.

Mula sa punchline na “Orani, maiba naman,” hindi sila binigo ni Mayor Jon Arizapa sa pangakong pagagandahin ang kanilang munisipyo sa loob lang mahigit isang buwan mula nang mahalal noong Mayo.

Habang ang mga neophyte mayors ay nagkakandarapa sa paghahanap ng pondo, inaabonohan muna ni Mayor Arizapa ang mga gastusin para mapaganda ang kanyang bayan.

“Pinaluwalan ko muna,” sabi ni Mayor Arizapa, na isang contractor, nang tanungin ng media kung paano niya napondohan ang pagpapagawawa ng Orani municipal hall.

Lahat ng aakyat at papasok sa loob ng gusali magugulat dahil totally unique at impressive ang design at amenities ng gusali.

Malawak, maganda at malamig ang mga rooms dahil fully air conditioned kaya comfortable, relax at nakakapagpahinga ang mga bisita dito.

Sa Mayor’s office naman, tiyak na mai-impress sa ganda ng view dahil kitang-kita ang ganda ng plaza, simbahan at ambience na masasabing memorable at noteworthy.

Dating tricycle driver, mechaniko at waiter si Arizapa bago naging successful contractor.