Erwin Nagsagawa ng inspection si DSWD Secretary Erwin Tulfo kasama sina DSWD Usec. Jerico Javier at Romel Lopez sa National Resource Logistic Management Bureau pati mga kagamitan at pasilidad ng DSWD sa warehouse na matatagpuan sa Naia 2 sa Pasay City. Kuha ni JONJON REYES

Tulfo tumulong agad sa mga nasunugan sa Tondo

Jon-jon Reyes Jul 6, 2022
276 Views

Erwin1

PERSONAL na nagtungo Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo Miyerkules sa mga fire victims sa Gagalangin, Tondo.

Una munang nagtungo sa warehouse ng DSWD sa Pasay City si Tulfo kasama sina DSWD Usec. Jerico Javier at Romel Lopez upang inspeksiyunin ang mga food packs, bigas, groceries na pang-ayuda pati mga kagamitan at pasilidad.

Dakong 10:30 a.m. nang puntahan ni Tulfo ang may mahigit 20 pamilya na nasunugan sa Barangay 148, Zone 13 sa Gagalangin.

Ito ang kauna-unahang ginawang pagtulong ni Tulfo mula nang siya ay italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 1.2022 bilang kalihim ng DSWD.

Si Tulfo ay nagpaabot ng cash at food packs samga nasunugan.

Layunin ng kalihim na bigyang prioridad ang mga nangangailangan ng tulong tulad ng mga single parents, senior citizens, persons with disability at mga biktima ng kalamidad.

Tahasan din nitong sinabi sa kanyang mga staff at mga kawani ng DSWD na walang dapat mambastos at magtataray o magsisimangot sa mga mamamayan na humihingi ng tulong sa kanilang kawani.

Kung sino man umano ang susuway sa kanyang panukala ay wala nang puwang para umano manatili pa sa kanilang puwesto at suspendi ang magiging parusa nito, aniya.