Decin Major Jimmy Albert Decin.

Decin pabor na ibaba sa 10 anyos edad ng criminal responsibility

Christian Supnad Sep 3, 2025
253 Views

LIMAY, Bataan — Pabor ang isang mataas na opisyal ng pulis na ibababa ang edad ng criminal responsibility sa 10 years old dahil sa pagkakasangkot ng ilang minors sa mga iba’t-ibang krimen dito.

Sinabi ni Major Jimmy Albert A. Decin, chief of police dito, na may mga minor na sangkot sa mga seryosong krimen ngunit, ” these minors were just being protected by the current law, absolving minors from criminal liability.”

Sa ilalim ng RA 9344, “a child is exempt from criminal liability if they are 15 years old or younger, although they are still subjected to an intervention program. ”

Para naman sa mga batang edad above 15 but under 18, “they are subject to appropriate proceedings if they acted with discernment.”

“Ang problema sa mga minors na ito ay ginagamit na sila ng mga criminal syndicates na gumawa ng serious crimes gaya ng carnapping, stealing, etc.,” ani Decin.

Pero ang mga minors na ito ay alam na nila ang kanilang ginagawa kung masama o hindi, ani PNPA graduate (Class 2012) Major Decin.

Nauna nito, si Senator Robinhood Padilla ay nag file ng “Senate Bill No. 372 to lower the age of criminal responsibility to 10 years old, but only for young people who commit heinous crimes. This proposal seeks to amend the existing Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act No. 9344), which currently sets a minimum age of 15 years old for criminal responsibility, with exceptions for those acting with discernment.”

Samanatala, sinabi ni Major Decin na ini- implement na nila ang curfew hour sa mga minors mula 10 p.m hanggang 4 a.m. para maiwasan ang mga minors na gumagala sa gabi at makaiwas sa posibleng paggawa ng hindi maganda.

Ayon kay Major Decin, sa unang offense ay warning lamang pero ang second offense ay community service, gaya ng cleaning, at iba pa.

Kapag nagkaroon na sila ng third offense, ang mga magulang na mismo ang mananagot at ma-charge criminally at ang masakit tatanggalan pa sila ng benefits mula sa gobyerno gaya ng 4Ps .