Drum Source: Sam Gullas/FB

Drum ng chlorine sumabog sa Cebu resort, 19 isinugod sa ospital

177 Views

LABING-SIYAM na tao ang isinugod sa pagamutan matapos na sumabog ang drum ng chlorine sa isang resort sa Barangay Pooc, Talisay, Cebu.

Dumanas ang mga biktima ng pagkahilo, sumakit ang mata at nagsuka nang malanghap ang kemikal mula sa sumabog na drum.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa lugar.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima.

Nagsagawa rin ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.

Kaugnay nito, pinayuhan ang mga residente sa lugar na umiwas munang tumungo o lumapit sa nasabing resort.

Samantala, nakatakda ding mag-isyu ng cease-and-desist order ang lokal na pamahalaan ng Talisay laban sa management ng resort habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.