Tinio

Gen. Tinio mayor humiling ng dagdag ayuda sa mga seniors

Steve A. Gosuico Jun 4, 2026
67 Views

Tinio1GENERAL TINIO, Nueva Ecija–Umapela si Mayor Sherry Ann Bolisay kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na sana’y madagdagan ang ayuda para sa mga indigent na senior citizens upang mas makaagapay sa buhay.

Hiniling ito ng alkalde sa ikalawang bugso ng pagbibigay ng social pension sa 925 na indigent senior citizens sa 13 barangay ng bayang ito noong Miyerkules.

Ayon kay Mayor Bolisay, nagbibigay din ang lugar na ito ng P600 kada buwan sa 6,000 senior citizens.

‘Pagkatapos nitong payout ng DSWD, siyempre susunod naman na bibigyan ang iba pang seniors na hindi nakasama sa bigayan.

Kaya naman nananawagan ako kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, na dagdagan ang pondo para sa local pension ng seniors hindi lang para sa bayan ng General Tinio, kundi ng iba pang lugar sa buong Pilipinas,” sambit ng alkalde.