Cayco Larawan: Comelec/FB

Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes

1 Views

Pormal nang ipinroklama si Marilou H. Cayco bilang bagong kinatawan ng Lone Legislative District ng Batanes matapos manalo sa special election noong Nobyembre 28, 2026.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nakakuha si Cayco ng 3,452 boto, mas mataas kaysa kay Luis Andres R. Abad na may 2,645 boto. Sumunod sina Edward Ike M. De Sagon na may 2,197 boto at John B. Gato na may 2,032 boto.

Isinagawa ang proklamasyon ng Provincial Board of Canvassers sa Session Hall ng Provincial Capitol Building sa Basco, Batanes, sa araw ding ginanap ang halalan.

Sa kabuuang 13,138 rehistradong botante mula sa anim na bayan ng lalawigan, 10,341 ang aktuwal na bumoto, katumbas ng 78.41% voter turnout.