Kush

4 kilo kush nakuha sa parcel

Gil Aman Sep 6, 2025
271 Views

HUMIGIT-kumulang sa apat na kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana o kush na nagkakahalaga ng P800,000 ang nadiskubre noong Biyernes sa scrap area ng parcel delivery service compound sa Brgy. Banay-Banay, Cabuyao City, Laguna.

Natuklasan ang kush ng dalawang tauhan ng parcel delivery company na nag-sosort ng mga packages sa compound. Natuklasan din ang isang box na walang tracking number o pangalan kung saan idedeliver o kung sino ang consignee.

Iti-nurnover sa Cabuyao police bandang ala-1:47 ng hapon ang box na nakumpirmang naglalaman ng 4 na kilo ng kush.