FDI

Dayuhang puhunan na pumasok sa bansa lumago

220 Views

`UMAKYAT ang foreign direct investments (FDI) sa bansa noong Abril, ayon sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang FDI net inflow sa bansa ay naitala sa $989 milyon noong Abril, tumaas ng 48.7 porsyento kumpara sa $667 milyong net inflow noong Abril 2021. Noong Marso 2022 ang FDI net inflow ay $727 milyon.

Ang FDI ay ang cross-border investment ng isang dayuhan sa isang kompanya na nasa Pilipinas.

Ang year-to-date net inflows ng bansa ay umakyat ng 12.1 porsyento o naging $3.4 bilyon, kumpara sa $3.1 bilyon sa unang apat na buwan ng 2021.