Bautista

OIC ng PPA itinalaga ni DOTr Sec Bautista

44 Views

ITINALAGA ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista si Port Manager Manuel A. Boholano bilang Officer in Charge-General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ang pagiging OIC ni Boholano ay nakasaad sa DOTr Special Order No. 2022-129.

Ang kanyang pagiging OIC ay magtatagal umano hanggang sa Hulyo 31, 2022 o hanggang sa mayroong maitalagang permanenteng General Manager sa PPA.

Si Boholano ay naging Port Manager noong 2005 at kasalukuyang nakatalaga sa Port Management Office ng Eastern Leyte/ Samar mula noong 2020. Nagsimula si Boholano sa PPA noong 1988.