Cavite

Suspek sa holdapan nasakote sa Cavite

387 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga nangholdap sa may-ari ng isang resto bar sa Quezon City noong Lunes at tinutugis pa ang isa pang suspek.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng (CIDU-QCPD), bandang alas-9:35 ng gabi nasakote si alyas Bigti, 25. sa Capulong Apartment, M. Salud Road, Brgy. Alapan 2-A, Imus, Cavite.

Hinahanap pa ang kasama niya sa krimen na si alyas Adam.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg Joey Madrid, hinoldap ng mga suspek ang biktima sa harap ng kanyang bar sa Timog Ave., Brgy. South Triangle, bandang alas-4:46 ng umaga noong Linggo.

Nadakip si Bigti sa Cavite ng mga operatiba ng QCPD sa pamumuno ni P/Lt. Col. Edisong Ouano, hepe ng CIDU, kasama ang hepe ng Theft and Robbery Section na si P/Lt. Pascual Fabreag ng Kamuning Police Station 10.

Nakumpiska sa suspek ang isang Tec-9 9MM pistol, 19 na live ammunition; magazine; Yamaha Nmax motorcycle; Blue T-shirt, at maong na pantalon; HNJ Helmet at Louis Vuitton pouch.

Nabatid na ang nadakip na suspek ay may standing warrant of arrest sa para sa kasong robbery with homicide.