Bomb Threat

Joke bomb threat may parusa–awtoridad

230 Views

BATANGAS CITY–Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na iwasang magbiro na may bomb threats dahil may umiiral na batas na nagpaparusa laban sa pagpapalaganap ng takot at disinformation bunsod ng pagkabulabog ng klase sa Golden Gate College (GGC) noong Lunes.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:10 ng umaga nang makakita ang isang guro ng note sa female toilet sa ikatlong palapag at may nakasulat na may bomba sa ikaapat na na palapag ng GGC.

Agad itong iniulat sa Batangas Component City Police Station (BCCPS) at sa Batangas City Command Center.

Rumesponde ang mga awtoridad at muling nakakita ng panibagong note na nagsasabing activated na ang bomba sa ikaapat
na palapag.

Dahil dito, napagpasyahan na pauwiin ang mahigit 1,000 mag-aaral at school personnel para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kasabay nito, naka-deploy ang mga tauhan ng CDRRMO, DSS at TDRO upang masiguro ang seguridad ng mga kabahayan at ang
maayos na daloy ng trapiko sa paligid.

Sinuri ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit, Provincial Explosives Canine Unit (PECU)-Batangas at Philippine Coast Guard
(PCG) Batangas ang kabuuang 80 silid-aralan ng apat na palapag na gusali.