100 gramo ng shabu nakuha sa natiklong drug suspek

Gil Aman Sep 29, 2025
256 Views

đť—–AMP đť—•đť—šEN đť—©ICENTE đť—źđť—¶đť—ş–Dalawang pinaghihinalaang sangkot sa pagbebenta ng droga ang naaresto noong Linggo na may dalang 100 gramo ng shabu at may halagang P680,000 sa Brgy. Sto Cristo, San Pablo City, Laguna ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station Drug Enforcement Unit.

Batay sa ulat, nahuli sina alyas Vincent, 47; at White, 60, dahil sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4A.

Nadakip ang mga suspek matapos ibenta ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer kapalit ng buy-bust money.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa nadakip na suspek.