PCSO

Relief goods galing PCSO ipinadala sa Cebu, Masbate

Jon-jon Reyes Oct 5, 2025
319 Views

PCSO1NAGKAROON ng sendoff noong Linggo ang Philippine Charity Sweepstakes Office aid caravan na binubuo ng 12 Patient Transport Vehicles, 5 dump trucks, 6 wing vans na may dalang medical at relief goods para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo at lindol sa Cebu at Masbate.

Ginanap ang sendoff sa pakikipagtulungan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Light Rail Transit Authority (LRTA) at PCSO authorized agent corporations.

Bandang alas-8:00 ng umaga nagkaroon ng mass blessing sa LRT-2 depot sa Marcos highway sa Santolan, Pasig City bago ang send off ng caravan.

Kabilang sa mga ipapamahagi ng PCSO ang Charitimba (may lamang food packs), gamot, evacuation supply kits, kulambo, kumot, tuwalya, tsinelas at flashlight para sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Opong sa Masbate at sa mga biktima ng lindol sa Cebu.