Batangas

Expanded health program nilagdaan ng Batangas City, 6 ospital

137 Views

BATANGAS CITY–Anim na ospital ang katuwang ng Batangas City sa pagbibigay ng serbisyong medikal para sa mga Batangueño ang lumagda sa memorandum of agreement (MOA) para sa Expanded EBD Health Card Program noong Biyernes.

Kabilang ang Saint Patrick’s Hospital, St. Camillus de Lellis Hospital at Health Care Specialist sa mga naturang ospital.

Mananatiling katuwang ng programa ang Jesus of Nazareth Hospital, Golden Gate Hospital at Batangas Medical Center.

Sa ilalim ng naturang programa, humigit-kumulang sa 200 hospital beds ang nakalaan para sa mga EBD Card beneficiaries na tugon sa layunin ni Mayor Marvey Mariño na magkaloob ng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Batangas City.