Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Medical

P2.6M medical equipment ibinigay sa Laguna

Gil Aman May 9, 2026
18 Views

NAGKALOOB ang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints ng P2.6 milyong halaga ng medical equipment sa Laguna.

Ayon kay Gov. Sol Aragones, ilalagay ang mga kagamitang medikal sa Bay District Hospital upang higit pang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng lalawigan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, malaking tulong ang donasyong ito upang mapahusay ang kakayahan ng Bay District Hospital sa pagbibigay ng mabilis at maayos na serbisyong medikal sa mga pasyente.

Kabilang sa layunin ng programa ni Aragones ang pagpapalawak ng access ng mga mamamayan sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga pampublikong ospital.

Nagpasalamat si Aragones sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa pakikiisa nito sa mga programa ng lalawigan.

Ayon sa gobernador, patunay ito na nagkakaisa ang iba’t ibang sektor upang maisulong ang kapakanan at kalusugan ng mamamayan ng Laguna.

“Maraming salamat po sa inyong suporta at malasakit,” pahayag ni Aragones.

Binigyang-diin din niya na prayoridad ng kanyang administrasyon ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan sa lalawigan.