P6.8M shabu nakuha sa natiklong tulak

Bernard Galang May 9, 2026
21 Views

LAGLAG sa kamay ng mga pulis ang pinaniniwalaang tulak ng droga na may pag-iingat na P6.8 million na halaga ng shabu ng mahuli ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Pampanga kamakailan.

Sangkot umano si alyas Anton, 44, sa pagbabagsak ng bulto ng shabu, ecstasy, at ketamine sa Metro Manila at Pampanga.

Nakumpiska sa suspek ang 1,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, digital weighing scale at marked money.

“Anton is a native of Pampanga and was previously incarcerated for drug cases. It took our operatives three weeks to secure a drug deal with him,” sabi ng PDEA sa statement.

Nahuli siya ng mga elemento ng PDEA Regional Office 3 Special Enforcement Team, PDEA-NCR-Southern District Office at Philippine National Police Drug Enforcement Group.