Parak kumilos; tiklo 2 suspek sa nakawan
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Kelot patay sa pamamaril
Bernard Galang
May 9, 2026
163
Views
PATAY ang 38-anyos na lalaki ng barilin sa loob kanilang compound ng mga hindi kilala at nakatakas na mga salarin sa Arayat, Pampanga noong Biyernes.
Nakilala ni Pampanga police director P/Col. Eugene Marcelo ang napatay na si alyas Ramil ng Purok 1, Brgy. San Mateo, Arayat, Pampanga.
Sinabi ng Pampanga police na binaril ang biktima habang natutulog sa ilalim ng puno sa compound ng kanilang property.
Narinig na lang ng kapatid ng biktima ang putok ng baril habang kumukuha ng tubig sa loob ng bahay.
Nakita na lang ng kapatid ng biktima na tumakas na ang dalawang suspek sakay ng motor at tumakas sa direksyong papuntang Brgy. Mapalad, Arayat.
Ayon sa mga pulis, 4 ang sangkot sa pagpatay na pawang nakatakas.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026
RIT nanghablot ng braclet, kumaway pa sa CCTV camera
Jul 10, 2026
