Sol

‘Fake news’ balita na tinanggal security escorts ng Laguna gov

Gil Aman Nov 2, 2026
26 Views

PINABULAANAN ng Laguna na fake news ang kumalat na pitong police security aide ni Gov. Sol Aragones ang tinanggal, ayon kay Laguna PNP director PCol. Sandro Jay DC Tapalla.

Itinuturing na fake news ang isinulat ng isang Laguna correspondent ng broadsheet newspaper dahil walang beripikasyom ang balita, ayon sa report.

Wala umanong tinanggal kungdi ung mga nasa Laguna Traffic Bureau ang ni-recall.

Nagdulot ng kalituhan sa pamahalaang panlalawigan maging sa Laguna Police Provincial Office ang balita.

Base kay Dr. Adiel De Torres, chief security aide ni Gov. Aragones, wala siyang natanggap na tawag tungkol sa report bago inilabas ang balita.

Lumabas din sa salaysay na may nag-udyok sa mamamahayag upang ilathala ang balita tungkol sa sinasabing sibakan sa hanay ng mga security personnel ng gobernador.

Humingi ng paumanhin ang hindi pinangalanang reporter kaugnay ng pagkakalathala ng maling impormasyon.