Sen. Ejercito Ipinapakita ni Nueva Ecija police chief Col. Ritchie Claravall (kanan) kay Sen. JV Ejercito ang ilang pakete ng smuggled na yosi na nakumpiska sa lalawigan.

PhilHealth coverage sa mga parak patataasin ni Sen. Ejercito

Steve A. Gosuico May 9, 2026
20 Views

CAMP GENERAL MARIANO LLANERA, Cabanatuan City–Nangako si Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na tutulong upang madagdagan ang coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga pulis.

Sinabi ito ng mambabatas sa harap ni Nueva Ecija police chief PCol. Ritchie Claravall noong Huwebes.

Tinalakay ng senador ang tulong sa kanyang “Talk to Men” program.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, nangako rin si Sen. Ejercito na isusulong ang pagtaas ng subsistence allowance ng pulisya, dagdag ni Claravall.

Kinumusta din ang senador ang kampanya ng NEPPO laban sa ilegal o smuggled na sigarilyo.

Sumagot si Claravall na ang kanilang kampanya ay matagumpay sa ngayon.

Ang pagbisita ni Ejercito sa Nueva Ecija police ay kasabay ng pagbisita ng senador sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center.