1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
Career bumongga nang makipag-split sa cheating ex
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
Calendar
Provincial
4.4 magnitude na lindol tumama sa Pugo, La Union
Melnie Ragasa Jimena
Oct 9, 2025
1051
Views
NIYANIG ng magnitude-4.4 na lindol ang Pugo, La Union noong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman ang lindol sa layong 2 kilometro hilagang-silangan ng Pugo bandang alas-10:30 ng umaga sa lalim na 10 kilometro, dagdag ng Phivolcs.
Una nang iniulat ng Phivolcs ang magnitude ng lindol sa 4.8 pero binago ito sa 4.4.
Naramdaman intensity 4 sa Pugo at Tubao, La Union at Baguio City, na naging dahilan upang maglabasan ang mga building occupants.
Intensity 3 naman sa Itogon, Benguet; Villasis, Pangasinan; at San Fernando, La Union.
Bagama’t hindi sapat ang lakas ng lindol para magdulot ng mga aftershocks, maaari itong magdulot ng pinsala, ayon sa Phivolcs.
Bebot na HVI sa Cainta tiklo sa P1.7M shabu
Oct 14, 2026

