Batangas

4 huli sa pagpapaputok ng boga

263 Views

Batangas–Arestado noong Miyerkules ang apat na lalaki dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa isang restaurant sa bayang ito.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jem, 31; Gar; Earl, 44; at Chest, 28.

Nagpaputok ng baril ang 4 sa Genaro’s Restaurant, ayon sa report.

Mabilis na sumugod ang mga pulis sa lugar at nakita nilang hawak pa ng mga suspek ang kanilang mga baril at walang habas na nagpaputok.

Narekober kay alyas Earl ang isang 9mm pistol, isang magasin, 12 bala at 26 na bala para sa cal .45 caliber na nakuha mula kay alyas Gar, isang Glock .40, dalawang magasin at 13 bala para sa cal .40 caliber mula kay alyas Jem.

Kasama sa narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 12 basyo ng bala para sa cal .40 at apat na basyo ng bala para sa 9mm.