Batangas

Voucher program pinirmahan sa Batangas City

399 Views

BATANGAS CITY–Lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang Batangas City, USSC Money Services at Development Bank of the Philippines (DBP) para sa implementasyon ng QR cash voucher program kasabay ng first 100 days ng panunungkulan ni Mayor Marvey Mariño noong October 8.

Sa ilalim ng MOA, maaaring makabili ng mga gamot sa mga accredited na botika ang mga benepisyaryo gamit ang libreng medicine voucher na inisyu ng lungsod.

Nilagdaan ang MOA sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng Brgy. Bolbok at Balete relocation site na magsisilbing pilot schools at mahigit 2,000 mag-aaral ang makikinabang sa libreng tanghalian sa buong taon.

Tumanggap din ng Patient Transport Vehicle (PTV) ang Batangas City mula sa Toyota Motor Philippines at nagbigay ng mga aklat ang Rex Educational Foundation para sa mga mag-aaral sa elementarya at high school sa mga barangay sa Isla Verde.

Tinanggap din ni Mayor Mariño ang hammer at gavel mula sa BSP Batangas City Council na hudyat ng kanyang bagong tungkulin bilang council chairperson nito.

Nagpasa rin ng resolution of support ang mga opisyal at miyembro ng Liga ng mga Barangay bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa pamumuno ni Mayor Marvey.

Nagkaroon ng ordinance exempting start-up Community Micro Businesses (CMBs) sa pagbabayad ng local business taxes sa loob ng tatlong taon upang mahikayat ang mga maliliit na negosyante na magsimula ng kanilang kabuhayan.