Ibay Kinilala ni Police Brig.General Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region police, ang mga suspek na tulak matapos matimbog sa Victorias at Bacolod, Negros Occidental. JONJON C. REYES

NegOc cops inaresto 2 suspek na tulak

Jon-jon Reyes Oct 11, 2025
243 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Victorias City police ang 44-anyos na lalaki at nakuhanan ng 51 gramo ng shabu na tinatayang P346,800 ang halaga sa Site 3, Block 16, Yolanda Housing, Brgy. 13 Victorias City, Negros Occidental.

Nakilala ang suspek na si alyas Conrado, ayon sa report ni Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay.

Natiklo ang suspek sa pamumuno ni P/Lt. Col. Terence Paul Sta. Ana matapos makipag transaksiyon sa police poseur-buyer.

Natimbog din ang isa pang lalaki ng mga operatiba ng Bacolod City Police sa Gatuslao St., Brgy. 8, Bacolod City noong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si alyas Luis, 33, na nakumpiskahan ng tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Huli ang suspek sa pangunguna ni P/Maj. Eugene Tolentino.

Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Pinuri ni PBGen. Ibay ang mga kapulisan dahil sa pag-aresto sa mga suspek.