BPPO

Strengthening of brgy council ginanap sa Calapan

Helen D. Prado Oct 14, 2025
285 Views

CALAPAN City–Inorganisa ng City Social Welfare and Development Department ng siyudad na ito ang Strengthening of Barangay Council for the Protection of Children and Training Workshop on Child Related Laws noong Lunes.

Layunin ng programa na itaas ang kamalayan ng Sangguniang Barangay katuwang ang mga residente ng iba’t-ibang barangay tungkol sa mga isyu ng karahasan at pang aabuso sa mga kabataan.

Ipinaalala ni Calapan City Mayor Doy Leachon sa mga kabataan na huwag matakot magsumbong at mag-report sa kinauukulan kung nakakaranas ng mga hindi kaaya-ayang insidente.

Isinagawa ang pagsasanay na ito para matukoy ang mga isyu at suliranin na nakaangkla sa naturang usapin.