Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Calapan

P2M Calapan agri project inilunsad

Helen D. Prado Oct 16, 2025
315 Views

CALAPAN City–Sinimulan ng Calapan City sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department noong Oktubre 15 ang corn production project interventions, high value crops development program project interventions at promotion of organic agriculture project interventions.

Layunin ng programa, ayon kay Calapan City Mayor Doy Leachon, na suportahan ang mga pangangailangan ng farming sektor, kasabay ng pagpapalakas ng kanilang agrikultural na produksyon at pagpapataas ng kita ng ating mga magsasaka.

“Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, masisiguro ang food security ating isla gayundin sa labas ng ating lalawigan. Pagsusulong ng kapakanan ng ating mga magsasaka, resulta ay masigla at mayabong na lipunan at mamamayan,” sabi ng mayor.