Phivolcs

Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.6 lindol

160 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.6 ang yumanig sa Eastern Samar Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-10:01 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 18 kilometro sa kanluran ng bayan ng Hernani at may lalim na 27 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – Hernani at Llorente, Eastern Samar

Intensity III – Tacloban City at Dulag, Leyte; Borongan City, Giporlos, Maydolong, Gen. MacArthur, Lawaan, Balangiga at Quinapondan, Eastern Samar;

Basey, Catbalogan City, Marabut at Sta. Rita, Samar

Intensity II – Julita, Jaro, Tanauan, Barugo, Palo, Pastrana, Alangalang at Abuyog, Leyte; Guiuan, Mercedes , Salcedo, San Julian, Sulat at Taft, Eastern Samar

Instrumental Intensities:

Intensity IV – Borongan City, Eastern Samar

Intensity III – Catbalogan City, Samar; Dulag, Leyte

Intensity II – Alangalang, Abuyog at Palo, Leyte

Intensity I – Baybay at Ormoc City, Leyte