PNP

PNP nag-promote ng 3 opisyal

366 Views

TATLONG pulis ang nagdiwang ng pagtaas ng ranggo sa Police Regional Office (PRO)-4A sa Camp BGEN Vicente Lim sa Calamba City.

Unang nanumpa bilang Police Brigadier General si dating Police Colonel Melvin Napiloy, PRO-4A Deputy Regional Director for Administration at sumunod sina Police Lieutenant Colonel Dennis De Leon at Police Lieutenant Colonel Jennifer Cuntapay bilang ganap na Police Colonel.

Si De Leon ang pinuno ng Regional Learning and Doctrine Development Division (RLDDD) habang si Cuntapay ang pinuno ng Regional Plans and Strategy Management Division (RPSMD).

Pinangunahan ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, hepe ng PRO-4A, ang pagbibigay ng ranggo at panunumpa para sa mga na-promote na opisyal.

Nagtapos ang seremonya sa thanksgiving dinner.