Droga

Boga, droga nakuha sa singer sa Batangas

338 Views

NAARESTO ang umano’y singer dahil sa pagkakaroon ng walang lisensyang baril at shabu noong Oktubre 22 sa Taal, Batangas.

Nahuli si alyas Jaa, 36, sa Brgy. Buli, Taal, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo, dahil sa pagkakaroon ng cal .22 na baril at isang round ng bala, 3.4 na gramo ng shabu na may standard price na P23,120 at mga drug paraphernalia,

Siya ay naaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region ng Lucena City, ayon sa report.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek tungkol sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).