Taal

Planning-workshop sa pagputok ng Taal dinaluhan ng mga parak

263 Views

SUMALI sa contingency planning formulation workshop para sa pagsabog ng Taal volcano ang mga miyembro ng Batangas police sa pamumuno ni P/Col. Geovanny Sibalo, acting director, sa Club Balai Isabel, Talisay, Batangas kamakailan.

Dinaluhan ang workshop ng mga hepe ng pulisya mula sa mga lungsod at munisipalidad na nasa loob ng 15 kilometrong radius ng Taal Volcano, mga chief executive ng mga bayan at siyudad ng Batangas.

Binigyang-diin sa event ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga lokal na yunit ng pamahalaan, mga ahensya sa pagtugon sa mga emergencies lalo na ang mga sakuna.

Na-discuss din ang kahalagahan ng patuloy na pagsubaybay sa aktibidad ng bulkan, paglalagay ng mga relief goods sa tamang lugar at koordinasyon sa mga pambansang ahensya kung may trahedya.

Ang pakikilahok ng BPPO sa inisyatibong ito ay nagpapatunay sa walang-tigil nitong pangako sa pro-active na paghahanda sa sakuna at sa kaligtasan ng komunidad, ayon sa mga pulis.