4 ‘shabu ladies’ tiklo sa QC, Pampanga

Alfred Dalizon Oct 31, 2025
415 Views

APAT na pinaniniwalaang tulak na babae ang natiklo ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Huwebes sa Quezon City at nasamsam pa ang halos 500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million.

Nakilala ang tatlo sa mga alyas na Rich, 44; Pam, 47; at Gibs, 45, ayon sa report.

Narekover mula sa tatlo ang tinatayang kalahating kilo ng shabu na may halagang P3.4 million, buy-bust money at mobile phone.

Sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga, nahuli naman si Ayka dakong alas-9:00 ng gabi noong Miyerkules.

Nabawi kay Ayka ang five grams ng shabu na may halagang P34,000.

Pare-parehong nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang apat na nahuli.