Red tide alert itinaas sa 6 probinsya

404 Views

ITINAAS ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide toxin alert sa anim na probinsya.

Batay sa resulta ng pagsusuri ng laboratoryo ng BFAR, lagpas sa regulatory limit ang Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide sa coastal water ng:

– Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal);

– Milagros sa Masbate;

– Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;

– Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at

– Lianga Bay sa Surigao del Sur

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” sabi ng BFAR.

Maaari namang kainin ang isda, hipon, alimango at pusit sa naturang mga lugar basta aalisin ang hasang at bituka at lutuin ng mabuti.

DOH nagbabala sa paggamit ng hindi rehistradong self-administered COVID-19 test kits.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng paggamit ng self-administered COVID-19 test kits na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na lubhang mapanganib sa sarili at sa iba kung ang resultang lalabas ay false positive o false negative.

Ang mga self-administered COVID-19 antigen test kits na gawa ng Abbott at Labnovation Technologies, Inc. pa lamang ang binigyan ng approval ng FDA.

Mayroon ang 31 manufacturer na naghain ng aplikasyon sa FDA upang sila ay payagang magamit sa bansa. Sumasailalim sa pagsusuri ang mga ito upang matiyak ang kalidad. Ni MAR RODRIGUEZ