Batangas

Mayor binigyan ng mga gamit parak sa Batangas City

217 Views

TUMANGGAP ang Batangas City Police ng mga makabagong communication devices mula kay Mayor Marvey Mariño noong Martes..

May advanced na kakayahan na nagbibigay sa mga pulis ng tuloy-tuloy na link sa operasyon ang mga gadgets at gears.

Ang pinakamahalaga rito ay ang automatic switch-over sa radio frequency kapag nawalan ng cell signal na titiyak na hindi mapuputol ang komunikasyon ng ating mga patrol unit sa panahon ng critical operations o kalamidad, ayon sa mayor.

Nagpasalamat si Police Lieutenant Colonel Ira Morello, chief of police, sa lokal na pamahalaan, partikular kay Mayor Mariño, para sa suportang ito.

Ang mga ganitong kagamitan ay direktang makakatulong sa pagpapatupad ng mas mabilis at epektibong response time ng kapulisan, ayon sa hepe ng pulis.

“Ang modernisasyong ito sa komunikasyon ay magiging malaking asset sa aming araw-araw na pagpapatrolya at sa ating paghahanda sa  anumang emergency. Tinitiyak namin na gagamitin ito nang wasto para sa kaligtasan ng bawat Batangueño,” sabi ni Morello.