Pic

Pagtutok ng Kamara sa mga biktima ng Bagyong Tino pinasalamatan ni Oducado

Mar Rodriguez Nov 7, 2025
398 Views

PINASALAMATAN ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III matapos nitong tiyakin na tututukan ng Kamara de Representantes ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng Bagyong Tino.

Sinabi ni Oducado na patuloy itong nananalangin para sa mga kababayan natin na biktima ng pamumuksa at pananalasa ng Bagyong Tino sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Oducado, nakikipag-ugnayan at nakikipag-tulungan silang mga kongresista sa mga lugar na sinalanta ng nasabing “super typhoon” upang mabilis na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta gaya ng pagkain, mga damit, tubig na inumin at iba pa.

Pinapurihan din ng kongresista ang pahayay ni Speaker Dy na nananatiling handa ang Mababang Kapulungan na maglaan ng nararapat na pondo para suportahan ang mga programang magpapabilis sa rehabilitasyon, pagbangon at pagpapanumbalik ng mga nasirang pasilidad sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

PandeCaldo ni Oducado:

Kasabay nito, ipinabatid ni Oducado na namahagi ng libreng almusal ang mga volunteers ng Capiz Content Creator Society Incorporated sa Don Ynocencio A. Del Rosario National High School para sa mga evacuees sa ilalim ng kaniyang programa na “PandeCaldo ni Oducado” Feeding Program.

Ipinaliwanag ng mambabatas na matulungan ang kaniyang mga kababayan sa naturang lalawigan na sinalanta ni bagyong Tino.