Bauan

Comelec voters’ registration sa Bauan isinagawa

245 Views

BATANGAS–Muling isinagawa ang satelite voter’s registration sa Sta. Teresa College bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Nobyembre 2026.

Sa pamamagitan ng satellite registration, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maiparehistro bilang bagong botante at maipahayag ang kanilang boses sa darating na halalan, ayon kay Bauan Mayor Wendah Katrina Dolor.

Patuloy ang panawagan ng COMELEC-Bauan sa lahat ng kwalipikadong botante na samantalahin ang programa upang masiguro ang kanilang karapatang bumoto at makibahagi sa pagpili ng mga lider ng kanilang pamayanan.