Calendar
Permanenteng opisina plano ng OVP
NAIS ng Office of the Vice President (OVP) na magkaroon ng permanenteng tanggapan para kay Vice President Sara Duterte at sa mga susunod na bise presidente ng bansa.
Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, spokesman ni Duterte sa ganitong paraan ay mababawasan ang operating cost ng tanggapan.
“This will result in stability and reduce cost in office operations, considering that future vice presidents will no longer need to rent temporary office to house their staff,” paliwanag ni Munsayac.
Sa ganitong paraan ay hindi na rin umano mahihirapan ang mga empleyado na nalilipat ang opisina tuwing mayroong bagong bise presidente na siyang naghahanap ng kanyang magiging tanggapan.
Sa kasalukuyan ay plano ng OVP na mag-opisina sa isang gusali sa Mandaluyong City.
Si dating Vice President Leni Robredo ay nag-opisina sa Quezon City Reception House samantalang si dating Vice President Jejomar Binay ay sa Coconut Palace.