Relief1 RELIEF OPERATIONS – Tulong sa mga nasalanta ng bagyo mula sa tanggapan ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list.

TULOY ANG PAGHAHATID NG TULONG: RELIEF OPERATIONS NG TANGGAPAN NI DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ AT TINGOG PARTY-LIST UMABOT NA SA CATARMAN, NORTHERN SAMAR

428 Views

Relief2Relief3Relief4Relief5HINDI naging madali ang pinagdaanan ng ating mga kababayan matapos ang magkasunod na bagyong tumama sa bansa.

Sa Eastern Visayas, marami ang lubhang naapektuhan, nasira ang mga kabahayan at may naitalang mga casualty.

Sa gitna ng pinsalang iniwan ng Bagyong Uwan, hindi nag-atubiling tumulong ang tanggapan ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list sa mga naapektuhang residente sa lalawigan ng Northern Samar.

Noong Nobyembre 10, naihatid sa Catarman, Northern Samar ang mga relief goods sa tulong ni PDRRMO Rei Josiah Echano.

Ang mga relief packs ay naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, instant cereal drink, instant noodles, sardinas, kape, biskwit, kumot at timba.

Lubos naman ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Hilagang Samar sa malasakit at taos-pusong pagtulong ni Romualdez at ng Tingog.

Bukod sa Northern Samar, tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng tulong sa iba pang mga lugar sa Eastern Visayas, kabilang ang Southern Leyte, bilang bahagi ng malawakang relief assistance para sa mga kababayang matinding naapektuhan ng magkasunod na bagyo.

Sa kanilang patuloy na pagbibigay-serbisyo, nananatiling panata ni Romualdez at ng Tingog Party-list ang mabilis na pagtugon at walang sawang pagtulong sa bawat Pilipinong nangangailangan, saan man sa rehiyon ng Eastern Visayas.