Sotto1

Senado inilunsad bagong bersyon ng website

211 Views

INILUNSAD ng Senado ng Pilipinas ang bagong bersyon ng opisyal nitong website na layuning gawing mas madali para sa publiko ang pag-access ng impormasyon tungkol sa mga batas at gawain ng mga senador.

Ipinahayag ni Senate President Vicente C. Sotto III ang paglulunsad nitong Martes at inilarawan ang bagong website bilang “mas malinis, makabago, at mas madaling gamitin.” Ayon kay Sotto, ito ay bahagi ng patuloy na pangako ng Senado sa pagiging bukas at tapat sa mamamayan.

“(This) strengthens the commitments we have made as a democratic institution, notably the freedom of information, ease of access, transparency and accountability of the Filipino people,” ani Sotto.

Sinabi niyang madali nang masusubaybayan ng publiko ang mga panukalang batas, komite, at mga sesyon sa bagong website, na maaari ring ma-access sa mga mobile phone.

“The website now also offers live broadcasts of sessions and events with a dedicated section for public assistance programs,” dagdag pa ni Sotto.

Bahagi ito ng digital modernization ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni Sotto upang palakasin ang transparency at pananagutan sa publiko. Inaasahang makatutulong ito hindi lamang sa mga mamamahayag kundi maging sa mga estudyante at karaniwang mamamayan na nais masundan ang proseso ng paggawa ng batas.