Palawan Ang balsang pinagtulung-tulungang gawin ng mga pulis Palawan at barangay officials sa Palawan.

Parak-Palawan gumawa ng bangka sa Palawan

Christian Supnad Nov 13, 2025
429 Views

π—₯𝗒𝗫𝗔𝗦, π—£π—”π—Ÿπ—”π—ͺ𝗔𝗑–Gumawa ng bangka ang mga pulis ng Police Regional Office 4B bilang bahagi ng social services sa rehiyon.

Ginawa ang banga sa Brgy. Sandoval, Roxas, Palawan matapos masira ang hanging bridge dahil sa bagyong Tino.

Ang nasabing hanging bridge ay pangunahing daanan ng mga residente, kabilang ang mga mag-aaral, patungo sa sentrong bahagi ng barangay.

Nasira ng bagyo ang hanging bridge kayat naging mahirap ang pagtawid ng mga mamamayan kaya kumilos ang 2nd Palawan PMFC upang tugunan ang problema.

Sa pangunguna ni P/Maj. Roel Tattao, acting force Commander, nagsanib-puwersa ang mga pulis, opisyal ng barangay, at mga residente upang bumuo ng isang ligtas na balsa na magagamit pansamantala.

Ayon kay BGen. Jovencio Badua, hepe ng PRO-4B, ang aktibidad na ito ay bahagi ng kanilang programang β€œKalingang 2nd Palawan PMFC, Walang Imposible.”

Layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga komunidad, lalo na sa mga naapektuhan ng kalamidad.