Ho

Pagbili ng bakuna laban sa smallpox idadaan sa compassionate special permit

177 Views

DAHIL hindi pinapayagan ng kasalukuyang batas, kakailangan ng compassionate special permit (CSP) sa pagbili ng bakuna laban sa smallpox.

Inamin naman ni Health Undersecretary Beverly Ho na mas matagal ang pagproseso ng CSP kumpara sa Emergency Use Authorization (EUA) na ginamit ng gobyerno para makabili ng bakuna para sa COVID-19.

Ayon kay Ho patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Health (DOH) sa United States Agency for International Development kaugnay ng epektibong paggamot sa mga mahahawa ng monkeypox.

Noong Sabado ay idineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox bilang isang global health emergency – ang pinakamataas na alarma sa isang infectious disease.