DOH

Pinakamataas na bilang ng arawang bagong kaso ng COVID-19 mula Pebrero 10 naitala

121 Views

NAITALA ngayong Hulyo 28 ang pinakamataas na bilang ng arawang bagong kaso ng COVID-19 mula noong Pebrero 10.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot ito sa 3,858 bagong kaso. Umakyat na sa 3,764,346 ang kabuuang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso ngayon ay 29,897 ang pinakamataas mula noong Abril 8.

Mayroon ng 60,704 na nasawi sa COVID-19 sa bansa.

Nananatili namang mababa ang bed occupancy sa mga ospital at sinasabing ito ay dahil marami sa mga nahahawa ay bakunado na laban sa COVID-19.